Bawal Judgmental: Mga Saloobin ng Isang Milenyal na Tita

Tatagalugunin ko na ito, tutal mukhang sa mga Pilipino lang naman uso ito. Napansin ko lang, bakit parang mas madali para sa atin ang manlait kaysa sa pumuri? Parang napakadali para sa atin ang maging kritikal sa kapwa at makita ang kanilang mga pagkukulang. Kaliwa’t kanan ang mga tanong at komento na para bang kutsilyong nananaksak sa puso, na hindi naman inaalam ang tunay na kadahilanan:

“Tumaba ka yata?” o “Bakit ang payat mo, hindi ka ba pinapakain?”

“Hindi ka naman kagandahan.” o “Hindi ka naman katalinuhan.”

“Masyado kang maitim.” o “Masyado kang maputi.”

“Bakit wala ka pang jowa/asawa?” Tapos pag sinagot mo yung tanong, babanatan ka ng, “Siguro hindi ka mabenta.”

Kapag mabenta ka naman, “Ang dami mong lalake/babae. Malandi ka.”

“Kailan ka mag-aasawa/magkaka-anak?”

Nakaka-kamot lang ng ulo na ang mga tanong at komentong ito ay nanggagaling pa sa mga taong inaasahan mong nagmamahal sayo. Sila dapat yung mga taong nagpapakita ng malasakit sayo at sa iyong kapakanan, hindi yung umaapak at dumudurog sa iyong kumpiyansa sa sarili.

Dati iniisip kong normal lang ang ganitong pagtrato dahil ito na ang kapaligiran at kulturang kinalakhan ko. Bihira akong makarinig ng papuri. Parang palaging may pagkukulang. At kapag nakakarinig ako ng kwento ng ibang mga tao, aking napagtatanto na sila rin ay lumaki sa konsepto ng tough love. Ang paniniwala kasi, sa ganitong pamamaraan tayo magiging malakas. Tinuturuan tayong magkaroon ng matigas na dibdib (at makapal na mukha). At kung nasasaktan man ang iyong damdamin, ikaw ang may problema. Ikaw ang nasa mali, kasi tinutulungan ka lang nilang maging perpekto. Kaya para wala na silang maisusumbat pa, matututo kang manahimik at magkimkim na lamang.

Aaminin ko, may mga kapakinabangan din naman ang tough love. Dahil napalilubutan tayo ng mga kritikal na tao, natututo tayong maging mapagkumbaba. Ito ay dahil hindi uubra ang sariling ere sa taong mas nagmamagaling sayo. Unti-unti rin tayong nasasanay sa pagtanggap ng kritisismo. Natututo tayong tigasan ang ating mga dibdib para hindi tayo palaging nasasaktan.

Ngunit mas marami akong nakikitang problema sa ganitong klaseng pakikitungo. Una, hindi pare-pareho ang pagtanggap ng mga tao sa ganitong klaseng pagtrato. May mga taong mas sensitibo kung ikukumpara sa iba, at maaaring mas malaki ang negatibong epekto sa kanila ng ganitong istilo ng pagpapalaki at pakikisalamuha. Pangalawa, alam naman nating walang taong perpekto. At kahit anong gawin natin, walang tao sa mundong ito ang tunay na perpekto. Sayang ang oras kung puro pagsisita sa mga pagkukulang at pagkukumpara sa ibang tao ang inaatupag natin. Wala rin naman itong patutunguhan.

Siguro mahirap nang pakiusapang magbago ang mga mas nakatatanda sa atin. Kaya siguro para sa mga ka-edad o mas bata nalang ako makikiusap. Sana huwag nating ipagpatuloy ang ganitong klaseng ugali. Imbes na idaan sa lait, maari namang kausapin ng masinsinan ang kapwa. Maging sensitibo tayo sa damdamin ng ibang tao. At bago tayo pumuna ng iba, isipin natin kung ano ang mga pinag-daraanan nila.

Ang inyong reklamadorang tita,

3 thoughts on “Bawal Judgmental: Mga Saloobin ng Isang Milenyal na Tita

  1. Usually the elders ask these kinds of questions or a long time friend you haven’t met. I guess its part of “small talk” too. They don’t intend to hurt someone’s feelings, it’s just an icebreaker when you met someone. 🙂

    Like

      1. Yes I agree. Elders tend to be insensitive to these topics. The best way to answer is to just divert the topic to another subject.

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: